LANDBANK Lending Program for Former Rebels (FR)
ay isang uri ng tulong pinansyal para sa mga dating miyembro ng mga rebeldeng grupo tulad ng Communist Party of the Philippines (CPP), New People’s Army (NPA), o National Democratic Front (NDF).
Sa pakikipagtulungan sa Task Force Balik-Loob (TFBL) na binubuo ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno, ang programang ito ng LANDBANK ay magbibigay ng pagkakataon sa mga dating rebelde na makamit ang hangaring pang-negosyo o pangkabuhayan na nangangailangan ng puhunan.
Depende sa pangangailangan at kakayahang magbayad ng utang, maaaring makautang ng mula P25,000 hanggang P100,000, na may palugit na isa (1) hanggang limang (5) taon.
Maaari ring mag-avail ang mga kooperatiba o asosasyon na mayroong mga miyembrong FR.
Ang mga sumusunod ang mga katangian, benepisyo at iba pang mahahalagang impormasyon na dapat malaman kung ikaw ay interesadong mag-avail ng LANDBANK Lending Program for Former Rebels (FR):
SINO ANG MAAARING HUMIRAM?
- Indibidwal na former rebel o FR (mula CPP/NPA/NDF at Militia ng Bayan) na mayroong kapamilya1 na tatayong loan co-maker
1 Asawa, partner, anak (legal/illegitimate), o kapatid ng FR
- Kooperatiba o samahan na mayroong kasaping (regular) FR
ANO ANG PAMANTAYAN SA MANGHIHIRAM?
Para sa Indibidwal na FR
- FR na sertipikado ng Joint AFP-PNP Intelligence Committee (JAPIC)
- May edad na 21 pataas
- May angkop na proyekto o negosyo na naayon sa pamantayan ng LANDBANK
- Walang nakabinbing kasong legal
- Kung wala pa sa tamang edad o may kasong legal, isang kapamilya ang tatayong borrower
Para sa Kooperatiba/Asosasyon (Conduit lending)
- Rehistrado sa angkop na ahensya ng gobyerno na may mga miyembro na regular at sertipikadong FR ng JAPIC
- May angkop na proyekto/negosyo na naaayon sa pamantayan ng LANDBANK bilang kooperatiba/asosyon o indibidwal man
SAAN PWEDENG GAMITING ANG PAUTANG?
Maliliit na negosyo tulad ng:
- Bakery
- Barbershop/parlor
- Furniture making
- Repair shop (kagamitan/makina)
- Sari-sari/variety store
- Tailoring
- Welding
Agri-enterprises tulad ng:
- Pag-aalaga ng baka o kambing
- Pagtatanim/pagsasaka
- Pag-aalaga ng baboy
- Pag-aalaga ng manok
- Pag-aalaga ng tilapia at bangus
TENOR AT PARAAN NG BAYARAN
Short Term Loan Line
- Hanggang isang (1) taon na maaaring bayaran ng buwanan, kada tatlong buwan o minsanan/kabuuan
Term Loan
- Mula isang (1) taon hanggang limang (5) taon
- Buwanan o kada tatlong taon, depende sa cash flow ng proyekto
- Sa pamamagitan ng Debit Account o over-the-counter payment
MAGKANO ANG MAAARING HIRAMIN?
For Direct Lending
- Ayon sa kailangang halaga ng borrower, ngunit hindi lalampas sa 90% ng halaga ng proyekto: mula P25,000-P100,000 kada borrower
For Conduit Lending
- Hanggang 90% ng kabuuang halaga ng proyekto; kung para sa relending, hindi lalampas sa P100,000 kada borrower
MAGKANO ANG BORROWER’S EQUITY?
10% ng halaga ng proyekto (maaaring capital outlay, labor, equipment at facilities)
MAGKANO ANG INTERES AT PASS-ON RATE?
For Direct Lending
For Conduit Lending
- 6% kada taon na may maximum pass-on rate na 12% kada taon (1% kada buwan)
MAGKANO ANG BAYAD SA LOAN DEFAULT?
2% kada buwan ng delayed na bayad mula sa unang araw pagkatapos ng due date
MANDATORY REQUIREMENT
- Coverage mula sa government guarantee funds para sa unsecured loans
- Guarantee premium – maaaring magmula sa borrower’s equity o ibabawas sa loan proceeds
COLLATERAL/SECURITY PARA SA BANGKO
For Individual Borrower
- Assignment ng PCIC claims, kung mayroon
- Coverage mula sa government guarantee funds (tulad ng Agricultural Guarantee Fund Pool, Small Business Corporation) para sa mga unsecured loans
For Cooperative and Association Borrower
- Assignment ng sub-borrower’s promissory notes at underlying collaterals, kung mayroon
- Assignment ng PCIC claims, kung mayroon
- Assignment ng government guarantee claims